Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Disaster Rehabilitation
and Recovery
10
ii
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lawrence C. dela Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
10
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8:
Disaster Rehabilitation
and Recovery
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
v
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
vi
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan.
Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikaapat na Yugto ng
Disaster Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin
sa panahon ng pagbangon matapos ang mga kalamidad. Nahahati ito sa tatlong
aralin:
Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Rehabilitation and Recovery
Leksyon 2 – Mga Polisiya ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery
Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and
Recovery
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naipaliliwanag ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Rehabilitation and Recovery;
2. natatalakay ang iba’t ibang polisiya ukol sa pagsasagawa ng Disaster Management sa Pilipinas; at
3. napapahalagahan ang pagsasagawa ng Disaster Management sa bansa.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Plan?
A. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Response
2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction
and Management Plan?
A. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.
B. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang
masamang epekto ng mga kalamidad.
C. Inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad.
D. Sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng
Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan?
A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang
kalamidad.
B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang
komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating
na kalamidad.
C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.
D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.
4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng
DRRM Plan?
A. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.
B. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.
C. Pagkukumpuni ng mga nasirang bahay.
D. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.
5. Bakit mahalagang mabantayan ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng isang
kalamidad?
A. Upang masiguro na hindi malulugi ang mga nagtitinda.
B. Upang mahirapan ang tao na makabangon mula sa kalamidad.
C. Upang maiwasan ang mananamantalang negosyante.
D. Upang mapabagsak ang presyo ng mga bilihin.
3
6. Alin sa sumusunod na pandaigdigang organisasyon ang HINDI kabilang sa Inter-
Agency Standing Committee (IASC) na nagpalabas ng Preliminary Guidance Note
ukol sa pagpapalakas ng Humanitarian Response?
A. Red Cross at Red Crescent Movement
B. World Health Organization
C. World Bank
D. United Nations
7. Ano ang ibig sabihin ng NDCC?
A. National Disaster Coordinating Council
B. National Disaster Coordination Commission
C. National Disaster Coordination Company
D. National Disaster Coordinating Corporation
8. Ano ang nilalaman ng NDCC Circular No. 5-2007?
A. Itinalaga nito sa pamahalaan ang lahat ng responsibilidad sa panahon ng
mga kalamidad.
B. Binuo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.
C. Nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng Disaster Management
System sa Pilipinas.
D. Pinagtibay nito na Bottom-Up Approach ang gagamitin ng pamahalaan
sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.
9. Alin sa sumusunod na antas ang itinalaga bilang Cluster Leads o
mamumuno sa bawat cluster sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa?
I. Nasyunal II. Rehiyonal III. Probinsyal
A. I at II
B. II at III
C. I at III
D. I, II, at III
10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 sa
lalawigan ng Albay?
A. Ayuda Albay Coordinating Task Force
B. Albay Mabuhay Task Force
C. Lakbay Albay Task Force
D. Alalay Albay Coordinating Task Force
11. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa tungkulin ng Albay
Mabuhay Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibong
programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng
kalamidad?
A. Pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing
pangangailangan.
B. Pagpapasigla ng information campaign.
C. Pagpapatigil ng mga gawaing pangkabuhayan.
D. Pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na
siyang mamumuno sa panahon ng panganib.
4
12. Ano ang naging epekto ng pagtatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sa naging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad?
A. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad.
B. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad.
C. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad.
D. Maiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.
13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar?
A. Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito.
B. Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano.
C. Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan.
D. Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan sa
pagbuo ng DRRM Plan.
14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008?
A. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mga
pampublikong paaralan.
B. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan.
C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad.
D. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mga
kalamidad.
15. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran?
A. Pagtatapon ng basura kung saan-saan kabilang na ang mga ilog at sapa.
B. Patuloy na pagbuga ng usok ng mga sasakyan at pabrika.
C. Pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan.
D. Pagkuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa kailangan.
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
5
Aralin
1 Ika-apat na Yugto ng DRRM Plan:
Disaster Rehabilitation and Recovery
Matapos maisagawa ang una hanggang ikatlong yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan, mahalagang malaman na hindi nagtatapos sa
pagtugon lamang sa mga pangangailangan ng mga mamamayan matapos ang isang
kalamidad. Kinakailangang tuluyang makabangon ang mga mamamayan upang
lubusan silang makabalik sa normal nilang mga buhay.
Balikan
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikatlong Yugto ng Disaster
Risk Reduction Management (DRRM) Plan na Disaster Response. Upang mapagtibay
ang natutuhan mo ukol rito, isulat sa tsart ang mga angkop na konsepto o sitwasyon
na nasa kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
Needs Assessment Damage Assessment Loss Assessment
— pagguho ng gusali — pagkawala ng pasok sa eskwela
— pagkain at tubig — maayos na tirahan
— pagbagsak ng tulay — pagtigil ng daloy ng trapiko
— mabisang gamot — pagkawasak ng mga taniman
— pagkamatay ng mga alagang hayop
6
Tuklasin
Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong
matapos nito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng artikulo?
2. Paano tinutulungan ng gobyerno at ng iba pang sektor ng lipunan ang mga
nasasalanta ng mga kalamidad?
3. Ano ang konsepto ng Rehabilitation and Recovery sa Disaster Management
ayon sa artikulong nabasa?
https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/disaster-preparedness/
7
Suriin
IKAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY
Ang ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan ay
nakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Ang
salitang rehabilitation ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirang
bagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang recovery naman ay tumutukoy sa konsepto
ng pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang ito
ay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito ang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayos
ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo,
ilan sa halimbawa ng mga gawain sa yugtong ito ang sumusunod:
pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon;
paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente;
pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan;
paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at gamot;
pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at
pagkakaloob ng psychosocial services.
8
Noong 2006, nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ang Inter-Agency
Standing Committee (IASC). Ang komiteng ito ay binubuo ng iba’t ibang Non-
Governmental Organizations (NGOs), Red Cross at Red Crescent Movement,
International Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng
United Nations. Ang Guidance Note na ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Cluster
Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan
sa pagtugon sa mga epekto ng mga kalamidad. Sa approach na ito, mas magiging
malawak ang mabubuong plano at istratehiya sa pagtugon sa pangangailangan ng
mga mamamayan upang makabangon sa masamang dulot ng mga kalamidad. Sa
pamamagitan din ng approach na ito ay mas magagamit din ng mahusay ang mga
pinagkukunang yaman ng isang komunidad sa panahon matapos ang kalamidad.
Ang Cluster Approach ang ginamit na batayan ng National Disaster
Coordinating Council (NDCC) sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga
sakuna, kalamidad, at hazard sa Pilipinas. Ipinalabas nila noong ika-10 ng Mayo,
2007 ang NDCC Circular No. 5-2007. Ito ay isang direktibo na nagpapatatag sa
Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa Pilipinas kung
saan ay magtatalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong
antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal (tingnan ang pigura sa susunod na
pahina).
Sa sistemang ito, mayroong namumuno para sa bawat antas ng pamahalaan
na mayroong kinalaman sa Disaster Management. Magsisimula ito sa pamahalaang
nasyunal. Mayroong mga mamumuno sa antas ng rehiyon at mayroon din para sa
bawat lalawigan. Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang pagtugon sa mga
kalamidad sa iba’t ibang antas.
Cluster Leads
Rehiyunal
Cluster Approach sa Disaster Management System sa Pilipinas
Probinsiyal
Nasyunal
9
Isang halimbawa ng paggamit ng cluster approach ang ginawa ng Albay noong
2007. Ipinalabas nila ang Executive Order No. 01-2007 na bumuo sa Ayuda Albay
Coordinating Task Force. Ang task force na ito ang siyang namuno sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong Reming. Ipinalabas din nila ang
Executive Order No. 02-2007 na bumuo naman sa Albay Mabuhay Task Force na
may layunin na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at
rehabilitasyon ng Albay sa panahon ng kalamidad. Ipinatupad dito ang pagbuo ng
iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad sa Albay. Ang mga
cluster na ito ay may tungkulin na:
mamuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib;
tiyakin ang seguridad at suplay ng pagkain at mga pangunahing
pangangailangan;
paigtingin ang mga information campaign ukol sa paghahanda sa mga
kalamidad; at
payabungin ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
Ang mga hakbang na ito ng Albay ay nagdulot ng magagandang resulta. Isang
patunay nito ang pagdedeklara ng Albay ng zero casualty noong nanalasa ang
Bagyong Glenda taong 2014. Pinatutunayan lamang nito na kung magiging maayos
ang sistema ng disaster management sa isang lugar ay mababawasan, kung hindi
man maiiwasan, ang masasamang epektong dulot ng mga kalamidad. Isa pa sa susi
ng tagumpay ng Albay ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan: mula sa
Pamahalaan, mga Pribadong Sektor, NGOs at ng mga ordinaryong mamamayan sa
pagpaplano at implementasyon ng kanilang Disaster Management Plan.
Dito makikita na mahalaga na wasto ang pagsasagawa ng mga unang bahagi
ng Disaster Management Plan. Kung naisagawa ang mga paunang pagtataya sa
Unang Yugto na Disaster Prevention and Mitigation, naihanda ang mga mamamayan
sa Ikalawang Yugto na Disaster Preparedness at kung nakatugon ba sa Ikatlong
10
Yugto na Disaster Response ay paniguradong mas maayos at mas madaling
maisasagawa ang muling pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad sa Ikaapat na
Yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ang Apat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan
Kaya naman, bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon sa adhikain ng
Disaster Risk Reduction and Management ay ipinalabas nito ang DepEd Order No.
55, s. 2008. Ang atas na ito ay bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource Manual
na naging batayan upang magamit ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang
mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management.
Itinuturo na rin ang mga konseptong ito sa Araling Panlipunan at MAPEH sa Junior
High School at sa asignaturang Disaster Readiness and Risk Reduction sa Senior
High School.
Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Ikatlong Yugto: Disaster Response
Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Unang Yugto: Disaster
Prevention and Mitigation
11
Pagyamanin
A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang Venn Diagram sa ibaba na tumutukoy
ng kahulugan ng Rehabilitation at Recovery. Gamit naman ang mga kahulugang ito
ay bubuo ka ng sarili mong pakahulugan sa konsepto ng Disaster Rehabilitation and
Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
B. Panuto: Lagyan ng ang patlang kung ang pahayag ay wasto at naman kung
hindi wasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
____ 1. Ang Disaster Rehabilitation and Recovery ay ang Ikaapat na Yugto ng
Disaster Risk Reduction and Management Plan.
____ 2. Ang salitang rehabilitation ay tumutukoy sa pagbangon o paggaling.
____ 3. Ang recovery ay tumutukoy sa pagpapanumbalik sa dating anyo o gamit.
____ 4. Isa sa mga gawain sa disaster rehabilitation and recovery ang pagbabantay
sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
____ 5. Kailangang masiguro na sapat ang suplay ng pagkain, damit at gamot sa
panahon matapos ang isang kalamidad.
____ 6. Layunin ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan ang mapanatili ang mga nasira
ng kalamidad sa isang lugar.
____ 7. Kinakailangan na mapanumbalik sa normal na daloy ang buhay ng mga
nasalanta ng kalamidad.
____ 8. Mahalaga ang bahagi ng paaralan upang mas mapabilis ang recovery ng
isang lugar.
Disaster Rehabilitation and Recovery
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Rehabilitation ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________
Recovery _____________________ _____________________ ____________________________________________________________
12
____ 9. Pinapayagan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos ang
kalamidad.
____ 10. Kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan ang
pagkakaloob ng psychiatric services sa mga nasalanta ng kalamidad.
C. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba
ukol sa mga polisiya na may kaugnayan sa Disaster Rehabilitation and
Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
D.Panuto: Basahin ang mga pahayag sa HANAY A at alamin ang tinutukoy nito sa
HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa iyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____1. Nagpakilala ng Cluster Approach na
naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mga
epektong mga kalamidad
a. DepEd Order No. 55,
s. 2008
b. Executive Order
No. 01-2007
c. Executive OrderNo.
02-2007
d. NDCC Circular
No. 5-2007
e. Preliminary
Guidance Note ng
IASC
_____2. Isang direktibo na nagpapatatag sa Cluster
Approach sa pagbuo ng mga Disaster
Management System sa Pilipinas
_____3. Bumuo sa Ayuda Albay Coordinating Task
Force
_____4. Bumuo sa Albay Mabuhay Task Force
_____5. Bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource
Manual na naging batayan upang magamit ng
mga pampublikong paaralan sa bansa
Preliminary Guide Note ng IASC
NDCC Circular No. 5-2007
Executive Order No. 01-2007 ng Albay
Executive Order No. 02-2007 ng Albay
DepEd Order
No. 55, s. 2008
13
E. Panuto: Punan ang Graphic Organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyon
ukol sa kahalagahan ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan: Disaster Rehabilitation
and Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
F. Panuto: Lagyan ng kung ito ay kabilang sa mga gawaing mahalaga sa
pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and Recovery.
_____1. Pamumuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib.
_____2. Pagsisiguro sa seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing
pangangailangan.
_____3. Pagpapaigting ng mga information campaign ukol sa paghahanda sa mga
kalamidad; at
_____4. Pagpapayabong sa mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
_____5. Paniniguro na unang nabibigyan ng tulong ang mga kamag-anak ng mga
opisyales ng komunidad.
_____6. Pagpapabaya sa nasasakupan pagkatapos ng isang kalamidad.
_____7. Pananamantala sa inabandonang bahay dulot ng kalamidad.
_____8. Muling pagpapaalala sa mga nararapat gawin kung sakaling may mga
kalamidad na dadating.
_____9. Paggabay sa mga mamamayan sa kanilang pagbangon mula sa mga
pinsalang dulot ng kalamidad.
_____10. Paggamit ng pondo sa Disaster Management sa ibang gastusin.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Kahalagahan ng
Disaster Rehabilitation and Recovery
14
Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Bakit mahalagang maisagawa ang disaster rehabilitation and recovery sa isang
lugar na nasalanta ng isang kalamidad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang cluster approach at bakit ito inirerekomendang ipatupad matapos ang
mga kalamidad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang maitutulong mo matapos ang isang kalamidad?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Isagawa
Panuto: Ngayong natutuhan mo na ang lahat ng yugto sa pagbuo ng isang DRRM
Plan, ilalapat mo na ang mga ito. Gagawa ka ng isang simpleng DRRM Plan para sa
komunidad kung saan ka naninirahan. Narito ang kinakailangang nilalaman ng
gagawing plano:
1. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
a. Hazard Assessment - Hazard Profiling at Hazard Mapping
b. Vulnerability Assessment
c. Capacity Assessment
d. Risk Assessment
2. Para sa Ikalawang Yugto - Disaster Preparedness, Ikatlong Yugto - Disaster
Response at Ikaapat na Yugto - Disaster Rehabilitation and Recovery
a. makipanayam sa isang opisyal ng barangay na nakatoka sa Barangay
Disaster Risk Reduction and Management. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng questionnaire o di kaya’y online na pakikipanayam
15
(makipag-ugnayan muna sa guro sa pagsasagawa nito). Alamin ang
ginagawa ng kawani ng inyong barangay sa panahon bago, habang at
pagkatapos ng kalamidad. Kinakailangan na nilalaman nito ang mga
konseptong nakapaloob sa bawat yugto.
3. Rekomendasyon
a. matapos mong makuha ang mga impormasyon sa Unang Yugto ay
gumawa ka ng sarili mong rekomendasyon sa kung ano ang nararapat
gawin ng inyong barangay sa panahon ng kalamidad. Gamiting gabay ang
mga nakuha mong impormasyon sa Ikalawa hanggang Ikaapat na Yugto.
Ang lahat ng ito ay pagsasamahin mo sa isang powerpoint presentation na
ipapasa mo sa iyong guro. Upang magabayan ka sa pagmamarka. Tingnan ang
rubric sa ibaba:
Kraytirya
Di
Pangkaraniwan
4
Kahanga-
hanga
3
Katanggap-
tanggap
2
Pagtatangka
1
1. Kalidad ng
datos
Angkop at may
kaugnayan ang
mga datos sa
paksa.
May
kaugnayan sa
paksa
May kaugnayan
sa paksa
ngunit ang
ibang datos ay
di - angkop.
Walang
kaugnayan at
di - angkop.
2. Bilang ng
datos
Higit sa
itinakdang
bilang
Nakasunod sa
itinakdang
bilang
May ilang
kakulangan
Maraming
kakulanagn
3. Kayarian ng
PowerPoint
Presentation
May kaiga-
igayang
kayarian,
artistiko,
maayos ang
kabuuang
ginawa.
May kaiga -
igayang
kayarian,
maayos ang
kabuuang
ginawa.
Maayos ang
pagkaka-type
subalit di-
organisado ang
mga slides
Di- maayos ang
pagkaka-type
at di-
organisado ang
mga slides
4. Pagsusumite
Nakapagsumite
sa itinakdang
araw.
Nakapagsumit
e sa tamang
oras.
Nakapagsumite
ngunit huli sa
itinakdang
araw.
Higit sa 1
linggo ang
kahulihan.
16
Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pang-ilang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan ang
Disaster Rehabilitation and Recovery?
A. Una
B. Ikalawa
C. Ikatlo
D. Ika-apat
2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Disaster Rehabilitation and Recovery?
A. Tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
B. Inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad.
C. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang
masamang epekto ng mga kalamidad.
D. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.
3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng
Disaster Rehabilitation and Recovery?
A. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.
B. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.
C. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang
kalamidad.
D. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang
komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga
paparating na kalamidad.
4. Si Jacob ay miyembro ng DRRM team na tumutulong upang maging maayos ang
implementasyon ng DRRM Plan. Alin sa sumusunod ang HINDI niya dapat gawin
sa yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery?
A. Pagkukumpuni ng mga bahay.
B. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.
C. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.
D. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.
5. Alin sa sumusunod na gawain sa Disaster Rehabilitation and Recovery ang
ginagawa upang maiwasan ang pananamantala ng ilang mga negosyante sa ilang
mamimili?
A. price freeze/control
B. psychosocial services
C. relief operations
D. financial assistance
17
6. Alin sa sumusunod ang komiteng nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ukol
sa paggamit ng Cluster Approach sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan sa panahon ng kalamidad?
A. Inter-Agency Standing Committee
B. International Committee on Disaster Management
C. Committee on Disaster Response and Cooperation
D. Inter-Governmental Committee on Disasters
7. Sa acronym na NDCC, ano ang ibig sabihin ng unang letrang C?
A. Council
B. Committee
C. Coordinating
D. Commission
8. Alin sa sumusunod ang pinagtibay ng NDCC Circular No. 5-2007 sa larangan ng
Disaster Management System sa PIlipinas?
A. Paggamit ng top-down approach sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.
B. Pagpapatupad ng bottom-up approach sa larangan ng Disaster
Management sa bansa.
C. Paggamit ng cluster approach upang mapatatag ang ugnayan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.
D. Pagbuo ng bagong approach na akma sa mga kalamidad sa Pilipinas.
9. Bukod sa Nasyunal at Rehiyunal, ano pang antas ang kabilang sa mga Cluster
Leads ayon sa panuntunan ng NDCC?
A. probinsyal
B. panlungsod
C. pambayan
D. pambarangay
10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 sa
lalawigan ng Albay?
A. Lakbay Albay Task Force
B. Alalay Albay Coordinating Task Force
C. Ayuda Albay Coordinating Task Force
D. Albay Mabuhay Task Force
11. Alin sa sumusunod na gawain ang kabilang sa tungkulin ng Albay Mabuhay
Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibong programa para
sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad?
I. pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing
pangangailangan
II. pagpapasigla ng information campaign
III. pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na
siyang mamumuno sa panahon ng panganib
A. I
B. II
C. III
D. I, II at III
18
12. Ano ang naging epekto ng pagtatatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sa
naging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad?
A. Naiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.
B. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad.
C. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad.
D. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad.
13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar?
A. Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan ang
pagbuo ng DRRM Plan.
B. Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano.
C. Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito.
D. Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan.
14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008?
A. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mga
kalamidad.
B. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mga
pampublikong paaralan.
C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad.
D. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan.
15. Sino sa sumusunod ang gumagawa ng mabisang pagharap sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran?
A. Si Joy na nagtatanim ng mga puno at nangangalaga sa kalikasan.
B. Si Niko na kumukuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa
kailangan.
C. Si Noel na nagtatapon ng basura kung saan-saan tulad sa ilog at sapa.
D. Si Ferdie na patuloy sa pagbuga ng usok ng kanyang mga sasakyan.
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang
pagbabasa at pagsasagot sa ating huling bahagi ng ating modyul. Dahil dito handa
ka nang harapin ang susunod pang mga paksa sa ikalawang markahan. Kung iyong
nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga karagdagang gawain na
mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!
19
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Gumawa ng isang infomercial (video material) ukol sa mga paghahanda
nararapat gawin sa panahon ng mga kalamidad. Maaaring mamili sa mga kalamidad
na madalas nararanasan sa inyong komunidad. Banggitin ang mga nararapat gawin
upang makaiwas sa masamang epekto ng mga kalamidad na ito. Limitahan ito sa 3-
5 minuto lamang. Gamiting gabay ang pamantayan sa susunod na pahina:
Rubric para sa Infomercial
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY
(4)
MAHUSAY
(3)
KATAMTAMAN
(2)
NANGANGAILANGAN
NG PAGSASANAY
(1)
Nilalaman Mayroong 5 o
higit pang
impormasyon
ukol sa mga
paghahandang
nararapat gawin
sa panahon ng
kalamidad.
Mayroong 3-4
impormasyon
ukol sa mga
paghahandang
nararapat
gawin sa
panahon ng
kalamidad.
Mayroong 2-1
impormasyon
ukol sa mga
paghahandang
nararapat gawin
sa panahon ng
kalamidad.
Walang impormasyon
ukol sa mga
paghahandang
nararapat gawin sa
panahon ng
kalamidad.
Pagkamalikhain Lubos na
naipamalas ang
pagkamalikhain.
Naging
malikhain.
Bahagyang
kinakitaan ng
pagkamalikhain.
Hindi nakitaan ng
pagkamalikhain.
Presentasyon
ng infomercial
Napakahusay at
walang mali.
Mahusay
ngunit may
ilang
kamalian.
Katamtamang
husay ngunit
may ilang
kamalian,
Hindi maayos at
maraming kamalian.
Panghihikayat
sa Manunuod
Lubhang
nakahihikayat sa
manunuod.
Nakahihikayat
sa manunuod
Medyo
nakahihikayat sa
manunuod.
Hindi nakahihikayat
sa manunuod.
Gamit ng Wika
at Salita
Matayog at
angkop ang mga
salitang ginamit.
Wasto ang mga
salitang
ginamit.
Gumamit ng
bilingual na
lenggwahe at
may ilang maling
salita.
Hindi angkop at mali
ang pagkakagamit ng
mga salita
B. Panuto: Gumawa ng sariling Disaster Risk Reduction and Management Plan para
sa inyong kabahayan. Kinakailangan na taglayin nito ang mga dapat ninyong gawin
bago, habang at matapos ang isang kalamidad. Maaaring mamili ng kalamidad na
madalas na nararanasan sa inyong lugar. Gamiting gabay ang template na makikita
sa susunod na pahina. Matapos ang gawaing ito ay idikit ito sa isang bahagi ng
inyong bahay upang makita ng lahat. Mamarkahan ang iyong gawa gamit ang
sumusunod na rubrik:
20
Rubric para sa Disaster Risk Reduction and Management Plan
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY
(4)
MAHUSAY
(3)
KATAMTAMAN
(2)
NANGANGAILAN-
GAN NG
PAGSASANAY (1)
Nilalaman Mayroong 5 o
higit pang
impormasyon
ukol sa mga
nararapat gawin
sa panahon bago,
habang at
pagkatapos ng
kalamidad.
Mayroong 3-4 na
impormasyon
ukol sa mga
nararapat gawin
sa panahon bago,
habang at
pagkatapos ng
kalamidad.
Mayroong 1-2
impormasyon
ukol sa mga
nararapat gawin
sa panahon bago,
habang at
pagkatapos ng
kalamidad.
Walang
impormasyon
ukol sa mga
nararapat gawin
sa panahon bago,
habang at
pagkatapos ng
kalamidad.
Pagkamalikhain Lubos na
naipamalas ang
pagkamalikhain.
Naging malikhain. Bahagyang
kinakitaan ng
pagkamalikhain.
Hindi nakitaan ng
pagkamalikhain.
Presentasyon Napakahusay at
walang mali.
Mahusay ngunit
may ilang
kamalian.
Katamtamang
husay ngunit may
ilang kamalian,
Hindi maayos at
maraming
kamalian.
Gamit ng Wika
at Salita
Matayog at
angkop ang mga
salitang ginamit.
Wasto ang mga
salitang ginamit.
Gumamit ng
bilingual na
lenggwahe at may
ilang maling
salita.
Hindi angkop at
mali ang
pagkakagamit ng
mga salita
Kayarian
ng DRRM Plan
Napakadetalyado
ng nagawang
DRRM Plan
Detalyado ang
nagawang DRRM
Plan
Kulang ng ilang
detalye ang
nagawang DRRM
Plan
Kakaunti ang
detalye sa
nagawang DRRM
Plan
PAMBAHAY NA DISASTER AND RISK MANAGEMENT PLAN
Pinuno ng Pamilya:
Mga Miyembro ng Pamilya 1.
2.
3.
4.
5.
(magdagdag ng bilang kung mas
marami sa lima)
Eksaktong Tirahan
Lugar ng Evacuation Center:
Kalamidad na madalas o may malaking
posibilidad na maranasan
21
Mga dapat gawin bago ang kalamidad:
1.
2.
3.
4.
5.
Mga dapat gawin habang may kalamidad:
1.
2.
3.
4.
5.
Mga dapat gawin matapos ang kalamidad:
1.
2.
3.
4.
5.
Ilang pang paalala:
22
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN 1. A
2. A
3. A
4. D
5. C
6. B
7. A
8. C
9. D
10. A
11. C
12. D
13. D
14. A
15. C
BALIKAN
NEEDS ASSESSMENT LOSS ASSESSMENT - pagkain at tubig - pagkamatay ng mga - mabisang gamot alagang hayop - maayos na tirahan - pagkawala ng pasok sa eskwela - pagtigil ng daloy ng
trapiko
DAMAGE ASSESSMENT - pagguho ng gusali - pagbagsak ng tulay - pagkawasak ng mga tahanan
PAGYAMANIN A.
May kaniya-kaniyang
sagot.
B. 1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
PAGYAMANIN C.
May kaniya-kaniyang
sagot.
D. 1. E
2. D
3. B
4. C
5. A
PAGYAMANIN E.
May kaniya-kaniyang
sagot.
F.
1.
2.
3.
4.
5. –
6. –
7. –
8.
9.
10. -
TAYAHIN
1. D 4. B 7. C 10. C 13. A
2. D 5. A 8. C 11. D 14. B
3. C 6. A 9. A 12. A 15. A
TUKLASIN May kaniya-kaniyang sagot
ISAISIP
May kaniya-kaniyang
sagot
ISAGAWA
May kaniya-kaniyang
gawa
23
Sanggunian
"Cluster Approach in Disaster Management". 2011. National Disaster Risk Reduction
and Management System. https://ndrrmc.gov.ph/2-uncategorised/1830-
cluster-approach-in-disaster-management.
"Disaster Preparedness | GOVPH". 2013. Official Gazette of the Republic of the
Philippines.https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/
disaster-preparedness/.
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:
Department of Education.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga
Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:
Department of Education.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
"The National Disaster Risk Reduction And Management Plan". 2011. Department of
Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports
_resources/DILG-Resources-2012116-420ac59e31.pdf.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]